Friday, January 13, 2012

tula


Isang Bituin


Simula pa lamang ng ika'y makita
Hindi na maitago aking paghanga
Lalo na't kapag nasilayan iyong mukha
Tila kandilang nauupos sa tuwina.


Lalo na't kapag ika'y lumalapit
Hanging habagat lalong humahagupit
Hindi ko mawari kung ako ba'y binabagyo
Dahil pag-ibig ko'y hindi nagbabago.


At sa iyong biglaang paglaho
Ako'y magbibitiw ng isang pangako
Na aking puso'y ibibigay lamang sa'yo
At hanggang sa huli'y hindi magbabago.


Kahit kailan hindi magiging hadlang
Pagkakalayo ng ating kinalalagyan
Dahil isang sulyap lamang sa kalangitan
Isang bituin magpapaalala sa ating pag-iibigan.